Dear star in heaven


Mahanap ko kaya ang sariling kong biglang nawala
mga ulap, bituin at buwan ang nagsilbing sandalan
sa mga oras na ako'y iyong iniwan
pansamantala o panghabangbuhay na

Mga pangakong iyong iniwan
na pilit ipinaglalaban
laban na alam kong walang kasiguraduhan
pero ito'y pinanghahawakan

Apat na buwan at sampung araw
makalipas ang iyong pamamaalam
ako'y nasaktan ngunit ika'y pasasalamatan
dahil sa aking mga natutunan

Maligayang kaarawan sa iyo aking pangalawang ina
awa'y masaya kana sa piling ni amang may likha
ako'y masaya na sa ating mga ala-ala
salamat sa panahong binigyan mo ako ng pagasa

Ngayo'y naniniwala na sa paglisan mo
kapalit ang isang anghel na biyaya
na magbibigay ng bagong pagasa
maligayang kaarawan sa langit aking lola
ikaw ay magsisilbing magandang ala-ala

Poem Rating:
Click To Rate This Poem!

Continue Rating Poems


Share This Poem