Itim na mundo


Bakit ba ang itim ng mundo'ng aking tinatalakay?
Mundo nga ba ito o kaya'y kagubatan lamang?
Ngunit aking nawari'ng ito'y mundo nga,
Mundo sa taong walang silbi o kaya'y magawa.

Bakit sila'y masaya samantalang ako'y nagdurusa?
Bakit ako nakakulong sa rehas na di ko mawari kung anong gawa?
Pwede nyo ba naman akong palayain,
At maging masaya kung saan ko hilingin.

Ang itim na mundong ito ay di bumabagay saakin,
Tama nga't puro pasakit ang bumabalatay saakin,
Pero pwede bang makalaya upang magkagusto ulit,
At makaramdam ng panibagong pasakit.

Gusto kong makalaya sa napaka-itim na mundong ito,
Baka pwede pang ako'y magbago,
At sa di inaasahan na ako'y magkagusto,
Sa masayang taong di dinaranas ang ganito.

Gusto kong maranasan ang walang humpay na kaligayahan,
O di kaya'y makalabas man lang sa nakakasakal na hanapbuhay.
Ayaw ko ng makulong sa itim na rehas sa mga masasayang araw,
Kaya't akong inyong palayain.Akoy inyong palayain!

Poem Rating:
Click To Rate This Poem!

Continue Rating Poems


Share This Poem