LIHIM na PAGTINGIN


“LIHIM na PAGTINGIN"

Sa isip ko'y palaging may katanungan,
puso't isip ko hindi ka nais na makalimutan.
ay hirap ipaliwanag, ang aking nararamdaman
mahal kana yata nitong lubusan.

Sa buhay ko ikaw ay katangi-tangi.
dinadasal ko sa Panginoon na ikaw ay manatili.
Pangako sa sarili'y ikaw ang una't huli,
pagmamahal sayo'y walang mali.

Araw sa piling mo'y may hatid na saya,
pananaw sa buhay ikaw ang kasama,
Sa Panginoon palagiang nagpapasalamat,
sa biyayang ikaw nasa aki'y sapat.

Sa mga mata ko ay anong ligaya,
ang inihahandog ng bawat makita.
Ikaw sa puso ko'y nakaukit na,
Kaya wag mo'ng kalimutan "MAHAL NA MAHAL KITA"

Poem Rating:
Click To Rate This Poem!

Continue Rating Poems


Share This Poem