ulan


"ULAN"

Nag-iisa habang pinagmamasdan ang makulimlim na kalangitan

tanaw ang mga taong naghahanap ng kanilang pansamantalng masisilungan

tanging naririnig ay ang kulog na mula sa kalangitan

hangang sa mag umpisa nang magpatakan ang mga butil ng ulan

Noon pag umuulan ay nakikinig ako sa musika

habang umiinom nga kape o tsaa

ngunit ngayon ay iniisip kita habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan

na tila ba nakikisabay sa patak ng butil ng aking mga luha

Naaalala ko pa nong mga araw na sabay nating minamasdan ang pagpatak ng ulan

habang masaya at nagtatawanan

nong mga araw na sabay tayong nakikinig sa musika

habang nagsasayaw tayong dalawa

Ngunit siguro ay ito na ang katapusan ng kwentong ating sinimulan

ang katapusan ng pakikinig natin sa musika habang umuulan

sapagkat iniwan mo akong lumilikha ng baha

gamit ang aking mga luha.

Poem Rating:
Click To Rate This Poem!

Continue Rating Poems


Share This Poem